ANDREW Broke My Heart (Tatlong Hakbang)

Tatlong hakbang.
Tatlong hakbang lang ang pagitan natin.

Dedma.
Hindi mo ako napapansin, hindi mo rin alam na pinagmamasdan kita.

Sulyap.
Mayroong sumulyap sa'akin.

Ikaw ba yun? Tumititig ka rin ba sa'kin?
O ako lang ang nag-iisip nito?

Hindi ka naman katangkaran.
Oo matangos ang iyong ilong...

Pero ang iyong mata - ang iyong mga mata, wari ba'y inukit ang taglay nitong ganda.
Nagmistulang mapapayat na linya; maliliit oo maliliit sila.

Lumingon ka na naman.
Ako ba ang iyong tinitignan?
Sana naman.

Tatlong hakbang. Tatlong hakbang.
Nanginginig ang aking mga kamay.
Nagpipigil ang tumitibok kong puso.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman pero sana hindi matapos ang gabing ito na hindi man lang kita nakakausap.

Tatlong hakbang.

Tat
long
hak
bang.

Palayo.

Comments

Popular Posts